do not assume.. sobrang wag na wag na wag itong gagawin or else you'll end up hurt...
it's not really a big deal. i dont want to give a damn about it. pero yun, kahit papano meron pa ring disturbing feeling na nafeefeel ko tuwing naiisip ko yun. kasi sa totoo lang at that moment i was 100% happy. nakalimutan ko yung lungkot ko. tapos malalaman mo the day after na hindi naman pala siya fully masaya at in favor dun sa ginawa mo... na during that time pala eh may negative cyang naiisip...
so hard lang... pero cyempre kelangan cyang intindihin. hindi cya sanay sa ganun eh. anong magagawa ko diba? actually parang bumabalik na naman ang aking 3rd year experience... and what a coincidence, 3rd year na naman ako. kung saan lumayo ako sa kanya dahil may isang bagay akong nakita sa iba na hindi ko nakita sa kanya. ang difference nga lang dis tym ay walang "other"... kaya medyo mahirap.
im still looking for something na wala sa kanya pero wala naman akong other person na kung saan hahanapin ko yung bagay na yun. unlike nung 3rd year na naghanap ko yun kay ________ kaya naman halos nagkanda leche leche ang friendship ko with my hs barks.
yun lang naman. ayaw ko namang maulit yung nangyari nung 3rd year. serious stuff na yun at napakapainful experience. pero hindi ko rin naman cya mafoforce at ayaw ko cyang iforce na maging isang tao na hindi naman cya...anung gagawin ko?
post a comment
nafeel nyo na ba yung feeling na parang you are loved pero hindi pa rin loved na gaya ng gusto mo? para yang hinainan ka ng napakaraming pagkain pero wala naman dun yung gusto mong kainin... para rin yang nasa isang party ka pero wala naman dun yung mga taong gusto mong kasama...
malabo eh... mahirap din intindihin... mahirap isipin kung papaano ba mawawala ang ganitong feeling... kasi minsan alam mong yun talaga yung limit eh. hanggang dun na lang talaga ang kayang ibigay. kaya kahit anung pilit pa, wala na ring mapapala. kahit anung piga, wala pa ring makukuha.
mahirap... sobrang hirap talaga ang ganitong kalagayan. you are trying to think na walang hangganan ang mga bagay and that you can improve and improve up to any point you want pero hindi naman yun ang totoo
wala rin namang makakapagsabing hindi mo triny na icross yung line na yun. so many times i tried and tried to cross that line pero failure lagi... marami na rin akong experiences na nagtry akong magcross ng line pero di nagtatagumpay... sa isang bagay kasi laging may risk. either yung magandang consequence ang mangyari o yung masama... madalas kapag nagcrocross ako o nagtatake ng risk, hindi maganda ang nangyayari
when i try to cross the road, lagi akong nababangga... minsan small bumps, minsan major accidents na almost irreversible... many times i tried to take the chance but failure always follows me...
kaya naman i guess dapat ay tanggapin ko na lang kung anung binibigay sa akin. kung hanggang dun na lang, edi hanggang dun na lang. napapagod na akong magpwersang palabasin ang isang bagay na wala naman talaga dun in the first place...
its hard to always feel this way... pero its how life was destined for me... im destined to hope for big things but in the end im also destined to just be satisfied with little things... kung baga laging half-glass full ang buhay ko... it's there, but will never be completely there...
post a comment
may naiisip lang ako... actually di na ako sure sa nafeefeel ko eh. napanaginipan ko cya dati (1st days ng sembreak) at sobrang nagustuhan ko ung dream kong iyon pero wala naman akong feelings para sa tao na un... psychmates kasi kami eh (meaning psych coruse but diff batch) pero di naman kami ganun kaclose... tapos kanina nakita ko cya, nagusap kami tapos konteng kulitan... tapos bigla ko na lang naalala ung dream ko na yun at parang may diff feeling na dumaloy sa aking katawan.. parang naging masyang-masaya ako at gusto ko cyang makita lagi... before pa pasukan, i hoped na sana classmate kami sa isang subject (majors) pero nalaman ko na di pala. medyo nalungkot ako pero masaya naman ako at nakita ko cya. ang weird talaga... di ko lam kung may "diff feeling" na ba ako o namimisinterpret ko lang ang mga bagay-bagay.... pero kasi tuwing nakikita ko cya, wala lang... masaya... parang gusto ko cyang makita araw-araw kahit konteng hi-hello lang o konteng kulitan masaya na ako... naaalala ko kasi ung dream na yun eh. kung wala sigurong dream na ganun, marahil tuwing makikita ko cya para lang cyang ordinary ex-classmate/ ex-friend... pero may dream kasi eh... that weird dream that changed it all. di ko na alam!!! naguguluhan na ako sa feelings ko!!!
3 comments | post a comment
merong fear dito sa aking puso ngayon... masaya ako oo pero natatakot pa rin ako... baka kasi i'm making a bad decision... masaya nga ako pero mali naman pala... hay... nu ba dapat kong gawin? pag di ko kasi ito ginawa, baka malulungkot na naman ako gaya ng dati pero kung ginawa o hinayaan ko itong mangyari, magiging masaya ako... pero mali kasi eto eh... wala namang patutunguhan to... isang malaking make-believe world kung saan lahat ay masaya, lahat ay pwede...
hay... mahirap ang ganito. mahirap makontento... isang bagay na makokontento na sana ako, di naman dapat makontento... gusto kong hayaang mamayani sa aking puso ang pakiramdam kong ito pero alam kong di naman dapat... kahit alam kong eto ang magpapasaya sa akin ng husto...
sa isa kong blog sinabi ko na gusto kong maging masaya ang buhay kong ito... gusto kong gawin ang lahat para maging masaya... pero paano ngayon ito? ang bagay na gusto kong hayaan ay hindi naman dapat hinahayaang mangyari... dapat nilalabanan ito!!!! dapat di na pinapalaki pa... dapat kinakalimutan, binabaon sa kaduluduluan ng mundo... mahirap talaga ang buhay noh? madaming contradictions... nakakalito... nakakaproblema...
2 comments | post a comment
| Date: | 2007-10-11 22:21 |
| Subject: | weird dream |
| Security: | Public |
i had a weird dream last last night. at ang mas nagpaweird pa dun ay gustong-gusto kong cyang ulit-ulitin sa aking utak... lagi ko na lang naiisip...
ganito kasi un... napanaginipan ko na ung classmate ko, kiniss daw ako, may gusto daw cya sa akin... tapos parang ramdam na ramdam ko daw (as in literal na feel) yung pagkagusto nya sa akin tapos may gusto din daw ako sa kanya... pero may kaagaw daw ako sa kanya tapos ung love namin parang forbidden love cya kaya kahit daw may gusto talaga ako sa kanya, tinatago ko daw un at tinataboy ko pa cya... tapos in the end, parang nagsisi daw ako sa ginawa ko, nagsorry ako sa kanya tapos sabi ko na parang "ipagtatanggol" ko ang love namin...
ang weird talaga!!!! una, kasi di naman kami close nung classmate ko na yun... groupmate ko lang cya and promise, wala akong gusto (o lihim na pagkagusto) sa kanya... 2nd, bakit lagi kong iniisip? bakit parang gustong gusto kong ginugunita yun kahit di naman kaaya-aya? 3rd, bakit ganun ang napanaginipan ko? very far from my true emotions...
hay... nu kaya ibig-sabihin nun?
2 comments | post a comment
| Date: | 2007-09-05 17:34 |
| Subject: | |
| Security: | Public |
| Mood: | hay... |
bad trip... cguro maya-maya magsusubside din ito. wala lang. bakit ganun? oh well... masyado kasi akong nagexpect na this day would turn out to be a very happy day for me eh. ewan. ikaw ba, kung kunwari sinuong mo ang mainit na araw at nagtravel ka ng 1 1/2 hours para lang makipagmeet with somebody else onlt to find out na 1 hour lang pala kayo magbobond? matutuwa ka ba nun? and wala lang... sa 1 hour na un, ininterview mo lang cya. di pa talaga kayo nakapagkwentuhan ng matino. 1 week lang sembreak nya. sa monday may pasok na cya pero wala pa rin namang change. as i said sa letter ko sa kanya, busy pa rin cya kahit sembreak nya. iniintindi ko naman cya eh, lagi cyang busy kasi trisem school nila pero pagsembreak naman at busy pa rin cya, parang weird na nun eh, di na katangap-tangap. kanina nagkita kami kaso wala naman halos napagusapan. pati nga ung ilocos trip ko hindi ko pa nakwento sa kanya. wala lang... i guess i have to accept the fact na never na talagang magiging tulad ng dati. napapansin ko rin na parang unti-unti na ring naglelessen ang mga bagay-bagay. argh!
busy busy busy... favorite term na gamitin. napakaraming bagay ang ibigsabihin. busy sa schoolworks, busy sa pakikipagkaibigan sa ibang tao, busy sa social life, busy sa family life, busy kasi ayaw ka nyang kausapin... alin ba talaga dun ang totoong ibigsabihin nya sa pagiging busy? (nagalit na daw pala noh? hehe) di naman ako galit. gusto ko lang malinawan to sa sarili ko.
iniisip ko minsan.... hindi kaya dahil sa busy sched kaya medyo nababawasan na ang closeness namin? mas madalas pa nga kaming mag-usap ni barbara eh at mas madalas pang tumawag si alex dito sa bahay.... napapaisip tuloy ako... it makes me wonder tuloy. nababawasan na ba talaga ung closeness namin? cyempre ayaw kong mabawasan un noh, pero based on facts and observations, mukhang unti-unti na eh... di lang namin namamalayan pero parang ganun na ung nangyayari... ewan...
nakikita ko naman effort nya eh para mamaintain at mas maging close pa kami as bestfriends pero para kasing may mga ibang factors kasi na nagcocontribute dun sa pagkakafall apart namin eh... malaking factor talaga ung sched namin and school... ngayon ko nafeefeel ung effects nun.
isa pa sigurong factor ay ung level of closeness namin. sobrang close na kasi kami eh kaya it would really take a huge amount of effort para lang mamaintain ung ganung kaclose na friendship... eh minsan, hindi naman kayang maproduce ung ganun karaming effort and time kaya medyo nababawasan. ewan... basta kung anumang nangyayari, sana malutasan na agad. ayaw ko namang magfall apart na lang friendship namin ng basta-basta...
sna din, next time matupad na ung mga ninanais ko... sna matupad na ang mga pangakong nabitawan. sana lang talaga...
4 comments | post a comment
hehe... niloko ko bestfriend ko kanina... sabi ko may boyf na ako!!!:) benta noh? pero sabi ng mom ko, baka daw hindi maganda ang mangyari. like baka isipin nya na nagfeefeeling ko or anything. pero i trust my friend naman... sa tingin ko di naman cya ganun. i mean, kapag sinabi ko sa kanya na joke lang un, feeling ko naman she'll just laugh about it (and cguro maiirita ng konte) ... hehe... grabe talaga! ang hirap magimbento!!!
post a comment
medyo magulong isip. dapat bang ganito ang maramdaman ko??? nakakainis talaga!!! ayaw ko na talaga umasa ever... sabi ko pa naman, konteng-konte na lang talaga.... konte na lang.... tapos nawala na. dapat daw tanggapin ko na lang daw ito. hay ewan... basta ayaw ko na talagang umasa... cguro kasi minsan, sa paghahangad mo masyado sa isang bagay, nauudlot tuloy. lalong di mo nakukuha, lalong hindi natutuloy. basta bwiset talaga... AYAW KO NAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! TAMA NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! argh!!! iniisip ko minsan, tama ba yung mga sinasabi nya? dpat pa ba akong umasa sa susunod? dapat ba uli akong maniwala? ewan... ewan ko na... tuwing naniniwala ako, ibibigay ang emotion ko dun sa bagay na yun, bigla namang nawawala... naiinis na ako!!! di ko alam kung saan o kung kanino ko ilalabas ang inis na ito... sa kanya ba, sa akin ba, sa bagay na yun ba o sa tadhana??? wala naman cyang kasalanan eh... pero ayaw ko na kasing umasa pa eh... ayaw ko ng madisappoint muli...
post a comment
madami na akong napansing mga pagbabago. nakita, narinig at naramdaman ko na ang mga ito. hindi natin talaga maiiwasan ang pagbabago. kahit minsan ayaw naman sana nating magbago ang mga bagay-bagay pero nagbabago pa rin. ewan... cguro nga ganito lang talaga dapat. naliwanagan na ako sa kung ano bang aking dapat gawin. naliwanagan na ako sa kung anung dapat kong maramdaman. dahil sa pangyayaring ito, alam ko na. parang isang malaking sampal ito sa aking mukha. kelangan ko na talagang magbago. hindi ko na pipigilan pang muli ang pagbabagong sinimulan kong gawin noon. yun ang nararapat... napag-iiwanan na ako ng mundo. kelangan ko ng sumamasa agos ng buhay kahit mapalayo pa ako sa aking nakagisnan. mahirap nga siguro to.. napansin ko na marami ng mga bagay ang hindi ko naiintindihan. marami ng mga bagong pangyayaring hindi ko nalalaman. tama na!!! madami na akong hindi naiintindihan!!!! nahihirapan na rin akong pigilan ang tunay kong opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. gusto ko ng magsalita pero laging urong ang aking dila. lagi akong napapaisip kung dapat ba akong magsabi o hindi. may mga lihim na di pagkakaunawaan o kompetisyon ng nabubuo sa kaloob-looban ko. hindi ako nagagalit. hindi ako nalulungkot. hindi ako natutuwa. gusto ko lang gisingin ang sarili ko sa panaginip na ito.... walang tao o bagay o pangyayari ang hindi nagbabago!!! lahat ng tao ay nagbabago sa ayaw man natin o gusto, napapansin man natin o hindi!!! kahit anung sabihin natin sa iba na wag silang magbago o hindi ako magbabago, wala pa rin yun!!! mas sigurado pa kaysa sa pagsikat ng araw na may mababago at may mababago sa kanya o sa akin o sa iba pang bagay sa mundo!!! kaya mensahe ko sa aking sarili, tanggapin mo na ang kattotohanang ito!!!!
post a comment
bakit may luha na naman ang aking mga mata? siguro dahil unti-unti ng lumilinaw para sa akin kung ano bang tunay na nangyayari. ilang beses ko ng itinanggi sa aking sarili na ganun talaga, ilang beses ko ng ipinawalang bahala ang mga bagay-bagay na yun, pero parang tuloy pa ring isinasampal sa akin ng realidad ang tunay na nangyayari. minsan kasi, mas madaling tanggapin ang mga kasinungalingang ginagawa natin para hindi na tayo masaktan pa, para hindi na tayo mahirapan pa. Pero minsan, mas alam ng kapalaran kung ano ba dapat ang mangyari. kahit punuin mo ang iyong puso at isip ng mga gawa-gawang realidad mo, ilalabas at lalabas pa rin ang mga msasakit na bagay na pilit mong tinatakpan. ilang beses ko na bang sinabi sa sarili kong "hindi, hindi yan ang totoo..." o kaya naman "baka nagkakamali ka lang... baka pinapalaki mo lang ang mga dapat maliliit na bagay" pero hindi... yun ang totoo!!! hindi ako nagkamali sa una kong inisip!!! sinasabi ko lang yun sa akin sarili dahil ayaw kong tanggapin ang mga tunay na dapat mangyari... hindi ko kayang harapinn ang sakit... ayaw kong isiping hindi yung magandang pangyayari ang dapat mangyari... nagbubulag-bulagan ako para hindi masaktan. nagsisinungaling ako sa aking sarili para hindi mahirapan. pero nahihirapan pa rin ako... patuloy pa ring nasasaktan. alam kasi ng kapalaran na nagsisinungaling ako sa aking sarili. alam nya na pinapawalang bahala ko ang katotohanan. alam nyang ayaw kong masaktan, mahirapan... pero nakatadhana ata akong masaktan. kaya kahit nagsisinungaling ako sa aking sarili, nasasaktan pa rin ako... nahihirapan pa rin ako. kasi madalas pa ring pinapamukha sa akin ng realidad ang katotohanan, ang mga bagay na pilit kong tinatakasan. dapat ko pa bang ipagpatuloy ang kasinungalingang ito o harapin ang katotohanan kahit ako'y masasaktan?
post a comment
| Date: | 2007-07-20 22:26 |
| Subject: | confuse |
| Security: | Public |
bakit ganito na naman nafeefeel ko? biniyayaan ako ng napakaraming bagay pero ganito pa rin nafeefeel ko. parang may kulang. parang may hinahanap pa ako na wala. ewan. ayaw ko na ng ganitong feeling. nakakapull pababa cya sa aking pag-unlad. hay... bakit ba kasi bumabalik? dapat kasi talagang nilalayo ko na ang sarili ko sa "outside factors" at nagfofocus na lang sa mga bagay/tao around me. hindi yung pinagfofocusan ko pa ng panahon ang mga bagay na malayo naman sa akin, na hindi ko naman naeexperience ng madalas. argh!!! i was doing fine up until may life changing event na nangyari/ nangyayari... bakit kung kelan naman ako nagtrtry magbago, dun naman cya bumabalik? lam mo yun... kaya ko nga trintry magbago kasi napansin kong nagbago na cya eh tapos ngayong trintry ko ulit, dun naman cya bumabalik sa dati... naguguluhan na ako!!!
post a comment
i'm here again... obviously, i have some matters to talk about kaya nga ako nagsusulat ngayon sa lj eh... dilemma... o baka pinapahirapan ko lang na naman ang sarili ko. everythings fine with me if you look at things as a whole. pero kasi parang may mga aspects ng buhay ko ngayon na mukhang maganda sa labas, mukhang okei lahat sa labas pero kung titignan mo what's really going on inside, dun mo makikita na hindi pala. hindi pala ganun kaperfect, di pala ganun kasaya.
other issue naman... medyo nahihirapan na ako pagdating dun sa isa kong friend. pagnagkikita kami sa 140 class, okei naman cya. ang bait nga nya eh, laging nagpapakita ng concern, pero yun nga parang di naman kami gaanong naguusap. hanggang concern lang, "okei ka lang ba?", "gusto mo paypayan kita?" or things like that. tinutulungan naman din nya ako kaso yung communication part yung hindi malinaw. unlike my other friends, di kami gaanong nagkwekwentuhan. more on, naguusap lang kami if we will comment on the same things like our lousy teacher or boring yung subj pero yung sabihin mong we'll talk about something not subject related, wala kaming ganung klaseng conversations, or kung meron man, short lang. ewan. pero i still want sana to be close to her kahit ganun. medyo mysterious person kasi cya kaya i want to decipher her real personality, or goal ko sana na maipakita nya sa akin yung real self nya.
ummm... may isa pa akong issue sa aking utak. dapat kasi matagal ng patay ang issue na to, kaso di ko alam kung bakit hanggang ngayon ay issue pa rin cya for me. minsan ba you ask yourself kung hanggang saan o hanggang kailan ba maglalast ang closeness mo sa isang tao, lalo na kung sobrang close kayo ng taong yun? kung ako lang kasi ang masusunod, i would say na my closeness with those people would last forever. kaso kasi there are certain factors that should be taken into account eh, like geographical distances and cyempre other people. i mean, i trust myself and others naman na hindi kami basta-basta matitinag ng simpleng geographical distance lang eh. pero kasi ang sa akin lang eh, paano kung nahanap mo na yung taong makakapalit sa taong yun sa buhay mo? kunwari you have a friend na trusted mo, na lagi mong sinasabihan ng problems, lagi mong sinasabihan ng mga things about yourself, masaya ka kapag kasama mo cya, pero what if sa iyong bagong environment na kinalalagyan ay nakahanap/nakameet ka ng bagong friend na trusted mo rin, na you're comfortable saying your problems to, na comfortable ka ring magshare ng mga things about yourself at masaya ka rin kapag kasama mo yung new friend na yun? and ang benefit mo pa sa new friend/s na yun ay mas accessible sila in case kailangan mo ang kanilang comfort at physically, they're present pa unlike yung old friend na yun na di mo naman agad-agad makakausap at wala pang physical contact. kung wala ng ibang factors ang itatake into consideration , mas logical kung yung new friend/s mo na ang iyong pipiliin diba? yun lang naman ang meaning ko... kaya minsan napapaisip ko yung mga bagay na yun at iniisip ko kung ano ba ang mangyayari kapag dumating na sa buhay namin ang ganitong mga pangyayari? paano kung nakahanap na kami ng kanya-kanyang bagong kaibigan sa buhay? ano kayang gagawin namin? sino ang pipiliin namin? ako pa rin ba o sila na? sila pa rin ba o iba na?
post a comment
| Date: | 2007-06-13 15:38 |
| Subject: | hehe...2 |
| Security: | Public |
medyo long detailed version lang ito ng blog entry ko.... about forgetting something to achieve something better. ewan ko ba... cguro nga umiiral na naman sa akin yung common teenage problem. egocentrism. lagi ko na lang iniisip na ako lang ang may ganung problema at yung problem ko ang the best. anyways... wala lang. kasi diba nakakapanghinayang na kalimutan o ipasawalang bahala mo ang isang bagay kapalit ng mas mabuting bagay pero wala namang katiyakan. kasi once mawala na yung bagay na yun sayo, there's no going back na. i don't want to create that mistake pero ayaw ko rin namang forever miserable ang buhay ko. kaya nga i said na somethings are really meant to be sacrificed eh. we just don't know what those things are. hay... what if kunwari, i did it nga? sinacrifice ko yun... and what if di ganun yung outcome na inaasahan mo. minsan i ask God, " God, bakit po ba ganito yung mga events na nilagay nyo sa buhay ko? pwede namang ganun o ganyan pero bakit ganito?" nalilito kasi ako kung ano ba talaga ang balak ni God for my life. kunwari na lang, ano ba talaga ang plano ni God bakit ako nafall sa isang taong alam ko namang imposibleng mafall in love back cya sa akin. was i meant to be heart broken? o may balak na mangyaring maganda si God sa buhay? let's say i forget that feeling nga. subukan ko talaga with all my might to kill that feeling inside, eh what if yun pala, kami talaga yung meant sa isa't isa. eh what if naman hindi ko tinggal yung feeling na yun. hinayaan ko lang cyang maghari sa puso at isipan ko, eh yun naman pala maheaheartbroken lang ako sa huli. eto pa another scenario. minsan tinatanong ko rin kay God kung "bakit ako nakapasa ng UP. pwede naman sana akong nag-aral na lang sa DLSU o UST o ADMU na kasama ko yung mga close friends ko. bakit totally pinaglayo-layo talga kami ng kapalaran ng mga friends ko?" minsan hindi ko alam kung bakit talaga. ang daming reasons na pumapasok sa utak ko. "siguro test lang eto ng friendship namin kung gaano ba ka-strong o baka siguro message ito ni God saying na masyado na kayong close kaya parang cool-off muna. di ko na nga alam eh. what's confusing about fate is that, wala talagang definite answer sa mga bagay-bagay. trial and error method lagi. ikaya nga mahirap eh. sa mga sacrifices and things like that, mahirap talga magdecide. kasi its not as easy as choosing what to eat or what to wear. those decisions can affect you life big time.
post a comment
grabe! meron na naman kaming problem. here's the story. yesterday, nagalit mom ko a brother at as in super galit, yung tipong kulang na lang cguro idisown na nya pero fortunately, wala namang physical violence. you know why? my brother took a huge sum of money from my mother's bag wothout her permission, in short, he stole money from my mom. days before, nagrereklamo na mom ko kasi meron daw 1000+ na money na unaccounted for. akala nya meron lang cyang nakalimutang expenses pero she's bothered na. then yesterday nga, may nakitang ganung amt of money from my brother's wallet. yung bro ko explain-explain pa cya na napulot daw nya at ibabalik sana pero nakalimutan daw, pero in the end umamin din cya. buti nga wala dad ko eh or else baka may physical violence ng nangyari. grabe! ngayon yung bro ko ay grounded sa lahat ng bagay sa house. di pwedeng mag-on ng tv, di pwede magcom, ps, mp3, radio, magic cards, dota at arcades. confiscated din lahat ng money at possessions nya at higit sa lahat, cya ang gagawa ng lahat ng chores sa bahay. para sa akin, di pa nga enough na punishment yun eh. kasi i don't think this is his first time na gawin yun. medyo naiinis pa rin ako kasi di namin ineexpect na makakagawa cya ng ganun kaserious na crime. di naman namin alam kung saan nya nakuha ang idea na yun, pinalaki naman kami ng maganda ng parents namin at kami naman ng sis ko ay di gumagawa ng ganung klaseng bagay. nakakainis lang talaga! cguro dulot na rin ng pagiging spoiled brat nya. di kasi nya naranasan yung paghihirap na naranasan namin nung bata pa kami eh. luho kasi kaagad cya, lahat ng magagandang bagay na gusto nya nung bata cya ay nabigay ata. tapos nag-aral pa cya sa all-boys school kasama ng ibang spoiled brats. nagkaganyan lang naman cya nung grade6 cya eh. puro bad influences ata kasi ang mga kaibigan nya! kainis talaga! kung ako lang masusunod cguro sinunog ko na lahat ng magic cards nya at dinelete lahat ng files nya sa memory card ng ps! wala akong pakialam kung libo-libo ang halaga ng magic cards nyang yun. masama talaga ang kanyang ginawa! sinira nya ang tiwala ng parents ko! sinira nya ang pagtingin sa kanya ng pamilyang ito! hay... pinapatawad ko naman na cya pero cguro matatagalan bago ko makalimutan ang ginawa nyang yun.
post a comment
what i feel today? happy pero nervous... first day of classes na kasi ng isa kong friend bukas kaya natanong ko tuloy sa aking sarili na what if first day of classes ko na din. kaya ko nasabing i am both happy and nervous. for the past days, wala akong ibang iniisip kundi paano ko pa ba maaayos ang buhay ko at paaano ko pa ba maitutuwid ang mga pagkakamaling nagawa ko. madami din akong nabuong kasagutan sa aking utak. madami na akong naplanong gagawin o sasabihin. nai-set ko na rin ang aking sarili sa kung anong mga ugali ba ang dapat kong gamitin. pero kanina nga lang habang iniisip ko ang mga bagay na ito, bigla akong kinabahan. parang natakot na naman ako, parang nabalot na naman ng hiya ang aking puso. inisip ko na naman na baka hindi ko kayang panindigan ang mga plinaplano kong ito. kaya ko ba talagang sabihin ang mga dapat sabihin? kaya ko ba talagang gawin ang mga dapat gawin? kaya ko ba talagang alisin ang mga dapata alisin? pero napag-isip-isip ko na kung hindi ko gagawin ang mga dapat gawin, kung di ko aalisin ang mga dapat alisin at kung di ko sasabihin ang mga dapat sabihin, lalo lang gugulo ang buhay ko. nahuli na nga ako sa pagrealize ng mga mali ko kaya dapat habang mayroon pang konteng pag-asang natitira ay ibuhos ko na dapat ang lahat ng aking makakaya para mailigtas ang aking buhay sa labis na kalungkutan.
2 comments | post a comment
after 10 years, nakapost na naman ako dito. etong lj ko ay parang aking exhaust... dito ko nalalabas ang problema ko kapag sa tingin ko hopeless na talaga. anyways, nakaka-inis na kasi itong utak ko. hindi ko mainintindihan kung ano bang gusto nyang mangyari. may mga bagay kasing gusto mo na lang sanang kalimutan para tama na ang lahat pero ang problema ay hindi mo alam paano mio ito gagawin. hindi mo malaman kung paano mo ito kakalimutan. sinubukan ko ng idistansya ang aking sarili, ilayo ang mga bagay na nakakapagpaalala sa akin nun, siraan siya sa aking isipan, mag-isip ng masama tungkol sa kanya, pero wala pa rin. nakaka-inis na talaga! sinisira na ng mga alaalang ito ang kasiyahan sa aking buhay.. kapag naryan siya, ubod ako ng saya, ngunit kapag di naman sumang-ayon sa gusto ko ang mga pangyayari, parang nahigop lahat ng lakas mo sa katawan, mawawalan ka na ng ganang makitungo sa iba at mas pipiliin mo na lang na magnilay-nilay sa isang tabi. pakiramdam mo ay gugunaw na ang iyong mundo dahil lang sa isang bagay na ginawa nya. lagi na lang nasasaktan ang damdamin mo kapag naaalala mo cya. parang pakiramdam mo ay wala ng pag-asa. bakit ba ganito ang buhay? yung mga bagay na gusto mong maalala, nakakalimutan mo, at yung mga gusto mo namang kalimutan, sila yung naalala mo ng husto. kung ano ang importante, yun ang hindi napagtutuunan ng pansin dahil lahat ng atensyon ay nai-alay na lang lahat sa kanya. wala ng natira para sa mga bagay na makakatulong talaga sa akin, sa mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin. nakakabaliw na talaga ito. hindi ko na malaman kung ano ba talaga dapat ang gagawin ko. masama naman kasing tuluyan kong kalimutan ang mga alaala dahil kahit papano ay may naidulot naman itong maganda sa buhay ko noon. ngunit paano kung siya mismo ay kinakalimutan ka na. diba masakit yun? diba mas magdudulot yun ng gulo sa iyong isip? parang isang malaking panghihinayang ang nararamdaman ko dahil dun. pakiramdam ko ay sinayang ko lang ang atensyon at pag-aalala sa isang taong wala namang paki-alam sa akin. nagsayang lang ako ng panahon kaka-isip, kakaluha at kaka-pangarap sa isang taong manhid sa lahat ng ito. paano ko pa aalalahanin ang isang taong unti-unti akong binubura sa buhay nya? ayaw ko man siyang kalimutan ngunit sa nakikita kong ginagawa nya, mukhang wala na talagang ibang paraan kundi ang kalimutan siya.
1 comment | post a comment
| Date: | 2005-08-30 19:15 |
| Subject: | Copy Paste |
| Security: | Public |
| Mood: | kasi dami ko thoughts... |
eto pala ay entry ko sa aking blog sa bebo.com... If meron kayo nun add nyo ko: cesdian.Sometimes it pays to forget... well, yan lang naman ang subject nito at ang stat ko sa ym. Alam ko naman na walang makakabasa nito kaya bakit pa ako nagpapakapagod na magsulat? ha! bakit?! kasi tanga ako... hehe... anyways, da subject is so true. If you can't let go of something, you'll never leave that chaotic place that you are in now. Kung lagi mong pagninilay-nilayan ang mga kasawian mo sa buhay, di ka na liligaya pa. Tulad ko... Everything is past na kaya dapat tayo'y magpakasaya... Kahit mabaliw na basta ba masaya... hay... Ang buhay talaga! Napaka unpredictable... Masaya ako ngayon pero bukas malay natin baka lumuluha na naman ako... Malay natin magagalit na naman ako. Malay natin kung nandidito pa ba ako sa mundo. Napaka unpredictable talga... Kaya dapat ay we make most out of the days we have. There is no time for flashbacks. There is no time for crying over spilt milk. La na tayong magagawa dun eh. We should think about the future and how we can improve our situation in life. Sino bang gustong ma-stuck sa isang napakagulo at napaka lungkot na environment diba? Kaya instead of looking back, we should look ahead but still keeping our eyes in our present situation to prevent further mistakes to happen. Teka... message ko ba ito sa aking sarili? anyways, dyan na nagtatapos ang ating kwento mga bata... hanggang sa muli, ito si lola Basyang bumabati ng magandang gabi sa inyong lahat... boring!!!
post a comment
| Date: | 2005-08-25 21:06 |
| Subject: | |
| Security: | Public |
| Mood: | leche... huhu... |
Hanggang kailan ako maghihintay na maramdaman Muli ang kasiyahan na aking nadama noon At tanging siya lang ang makapapawi ng aking pighati At maglalagay ng ngiti muli sa aking labi...
lecheng buhay to... la na bang matinong mangyayari. Parang palala na ng palala ang sitwasyon at ako naman si miss nagbubulag-bulagan at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako, nagtyatyaga, hindi umaalis kahit na labis-labis na ang pighating aking nararamdaman. Kawalanghyaan talaga ng mundo ang hindi pagbigay ng pansin o lunas sa mga sakit na nararamdaman ng tao. Embes na pagalingin, pinapalala pa bawat araw. Akala ko ayos na ang lahat... Namumuhay na ako ng matiwasay ngunit bakit kailangan pang lapastanganin ang kasiyahang aking nalasap sa panahong iyon? bakit sa lahat ng tao ako pa? bakit?
Leche talaga... ako'y napapamura na... ganito na talaga kalala... ang sitwasyong aking tinatamasa. Ayaw ko ng maranasan ito... Kaya ako ngayo'y litong lito... Panahon naba para ako sa iyo'y lumayo??? o dapat ay umasa pa ako na ang lahat ng mga problemang ito'y siya ring maglalaho???
post a comment
| Date: | 2005-07-06 17:58 |
| Subject: | haay... |
| Security: | Public |
| Mood: | sowee na!!! |
La lang! Nakaget over na rin ako sa wakas and I am proud of it!!!! Masaya na ako ngayon at yaw ko ng balikan ang nakaraan ko... Di ko na talaga iniisip yun... Grabe lapit na ng UPCAT at di pa ako nag-aaral... ninenerbyos na ako pero kasing parang mraming distractions ngayon eh... tulad na lang nito... embes na mag-aral for the UPCAT nallj ako... haay buhay... talaga ngang kung ano ang bawal yun ang masarap... Anywayz, I feel guilty today... I feel responsible kasi for a friend eh. Nagpapaturo siya sa akin pero di ko siya na turuan. Ako pa naman yung nagpromise sa kanya na tuturuan ko siya pero, hindi ko siya naturuan. haay... Maguguilty talaga ako pagnakakuha siya ng mababa kasi I know na natulungan o naiwasan sana yun kung tinuruan ko siya... o kung di man naiwasan kahit natulungan ko na siya, at least di ko naman kargo de konsensya... Kahit pinatawad na niya ako di pa rin ako mapakali... Nagiguilty talaga ako! Well, wala na ako magagawa... Babawi na lang ako next time sa kanya... Siguro sa exams kung willing siyang magpaturo... hehe... Tuturuan din naman niya ako eh! So we're quits na! hehe... Sige nuod pa ako... nagiging boring na ako eh!
post a comment
| Date: | 2005-03-10 18:53 |
| Subject: | wala lang... |
| Security: | Public |
| Mood: | bouncy |
Uy grabe na talaga ito... Ang saya-saya ko na ngayong araw lang na ito ah... pero di ko alam kung hanggang kelan magtatagal ang kasiyahan ko...
Well, nababaliw na rin ata ako tapos na-oobsess ba sa swing at boogie dance. Ewan ko bakit pero dati ayaw na ayaw ko yun tapos ngayon gustung-gusto ko na...
Unti-unti na ring gumaganda ang buhay ko lalo na ngayong malapit na kaming mag fourth year. Pero syempre malungkot din. Yaw ko pang mag 4th year eh... Ayaw ko pang mahiwalay sa friends ko at syempre ayaw ko pang umalis sa school... waahhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
May poem akong ginawa para sa mga friedns ko... Balak ko sanang ibigay sa kanila ito pag 4th year na or the graduation day itself pero nahihiya na ako eh... Here it goes:
Paalam…
Ang tunay na kaibigan ay parang anino Di ka iiwan saan mang sulok ng mundo Laging siyang nandiyan kapag kailangan mo Kakampihan ka kung sakaling magkagulo
Ngunit kung minsan ay hindi mo maiiwasan Sa mga magkakaibigan ang tampuhan at bangayan Kawalan ng tiwala at kung minsa’y di pansinan Pero kahit ganun pa man, sa huli’y batian din ang patutunguhan.
Isang taon at kalahati na lang ang ating ilalagi Dito sa paaralang kasiyahan ang dulot sa bawat sandali Hindi ko makakalimutan ang mga ngiti Na lagi kung nakikita sa inyong mga labi.
Hinding-hindi ko malilimot ang mga tao Na nagbigay ng kulay sa aking mundo Ang mga taong pilit na nagpapasaya sa akin Kapag puro pasakit na lang ang sa akin ay dumarating
Ang ating pinagsamahan ay hindi ko ipagpapalit Sa anumang luhong sa akin ay dumikit Dahil kayo sa akin ay sobrang napalapit Kaya sa ating paghihiwalay ang tanging dulot sa akin ay sakit
Kaya ngayong tayo’y magkakalayo na Sana ay hindi niyo makalimutan ang ating pagsasama Pagsasamang sinubok ng panahon at problema Isang alaalang walang kasing halaga
That's all folks... Yaw ko na kasi ibigay eh o baka ibigay ko rin... malay ko. Bahala na...
post a comment
|
 |
|
 |
 |